Feeds:
Posts
Comments
1. maraming pangayayari ang naalala ko si Jan ay nakipagdivorce sa kanyang hubby…after 7 years yan ang synopsis. di ko alam kung bakit pero medyo natakot ako baka ganun din ang mangyari sa akin at di ko makayanan

2. nakatira kami sa boat made of high quality wood sa ibabaw ng tubig may mga kapit bahat na ibat ibang klaseng boats yari sa bakal, glass at kung anu anu pa…nagkaroon ng tsunami at nagflooding sa loob ng boats natakut ako kala ku katapusan na…

3. part 2 ay nasa boat parin dun kami nakatira, si pokya ay pumanaog mula sa second level pababa at nay baby na nahulog so bizarre pero yan ang nangyari

4. kami ni anthony ay nagpunta sa party, at ibatibang kwarto duun merun isang sinilip ko mayrun duung 2 babies pero yung isa katawan ng baby pero ulo ng matanda yayyy katakut yun lang…

Oki, nakalimutan kong mag post dito nakolekta tuloy ang mga panaginip

1. naglalakad ako parang tighrope walker pero low angle ang dating duun sa ibaibaw tutuk ng sydney harbour bridge gabi iyon, nakakatakut…mag isa ako pero feeling ko ay matutumba ako—nakakahilo—nahihirapan ako at away magpatuloy sa paglalakad ngunit naglakad pa rin

2. ito kinuwento ko to kay anthony–tatlo kami sa kami ako ang nasa gitna si anthony nasa kaliwa ko. yung nasa kanan ko ay babae…mga half naked kami lahat…itong babae ay gustong magmake out sakin i was trying to push her sabi ko ayaw ko…ang ginawa niya ay bumangon at bumaling kay anthony she’s trying to make out with him…langya nagalit ako sabi ko “you can’t do that!” tapus nagising na ako…kinuwento ko nga kay anthony sabi niya “i will never make out with anyone else but you my boo” i love you…

3. sige si poo nanaginip..nagpunta raw siya sa isang videoshop na puro hd dvd at siya ay happy happy! ayan muna abangan ang susunod na kabanata!

Bago ako magsimula sa pagtatrabaho ikukuwento ko muna ang panaginip kagabi napakainteresting eto ang scenario nakatira kami sa isang barung barung na dormitory maraming levels pero parang squatters area ang dating ng paligid duun sa sala ako ay nakaupo nang biglang dumating pumasok sa pinto si marvin siya ay nakasuot ng yellow na may black prints maamo ang kanyang muka at halatang may attraction na nangyayari…

f4 parin ang kanyang buhok…halatang miss namin ang isat isa nang biglang dumating pumasok sa pinto si anthony at siya ay naguguluhan sino siya? bat siya nandito? noon ay kinailangan kong ireassure siya sinabi ko”mahal kita” ikaw ang mahal ko” please don’t give up”

 Samantala sa kabilang ibayo mayrung mga lalaking dumidiskarte sa akin…parang community ito ng Calauan dun sa mga kanto na kumpulan ng mga bum na tao….hmmm yan lang ang naalala ko pero alam kong mahaba pa ang pangyayari…ako’y nagising na at late na sa work! Ayan na muna back to work na…

bakit si marvs ulit?

 

nandun sa loob ng kwarto niya parang shared accommodation ito…namiss ko siya nang makita ko siya tumibok ang puso ko…merun siyang certain look na nakakabighani…parang may sarili na siyang mundo at alam niyang merun na akong iba…

merun siyang bookshelf at nandun ay mga chick books girly stuff…semi long hair na siya gusto ko siyang yakapin nung makita ko siya…naalala ko na may nangyari nung dec 8 at may sinulat akong liham sa kanya….miss ko parin siya…malamang naiisip din niya ako…anu namang gagawin ko? eh di naman niya ako pinapansin???

yun ang aking panaginip

nung two night bagu yun…mayrun akong panaginip katabi ko si anthony habang nanaginip…nagmamaneho ako ng truck parang F150 at nabangga ko ang isa pang truck tumingin nang masama ang driver nito…bumaba ako at naglakad sa parang hilly pataas–may mga tau dun ito pala ay libingan ng mga aso…nakasaksi ko ng may inillibing na aso at sinasabuyan nila ito ng grainy things bits hindi lang lupa at marami ding flowers sa paligid…yan ang panaginip ko at ako’y nagising na kinuwento ko ito kay anthony…

Posted at 04:42 am by mgapanaginipko

6 November 2007

sinking boat

 

ang naalala ko ay nasa boat ako ng parang pirate ship ay ang labu haha basta pirate ship at mukang medieval ang dating…tapus ay biglang unti unting lumulubog it’s singking? tapus sa medyo di kalayuan ay may isa na namang medieval ship at ito at naguumapoy….

mukang makes sense dahil nung gabing yaon ako at si andy the pogi ay nag-kasabihan ng damdamin. at palagay ko di na dapat pagpatuloy pa ang relasyon dahil hindi naman siya nagco komit sa akin. lintik na yun kung di lang malaki ang kanyang hinaharap.

ayan, katunayan nga tinanung ko pa siya kung anung ibig sabihin ng sinking ship sa dream interpretation at ang ibig sabihin pala nito ay —katapusan ng isang bagay maaaring relasyon or kung anumang kung saan ang iyong damdamin ay involved….

pero heto magkasama parin kami at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo mukang masasaktan na naman ako pero ginagawa ko parin tanga talaga…anu namang gagawin ko eh naghihirap ako kung magkalayo kami…mahal ko na ba siya??? yan nag tanung

Posted at 08:49 am by mgapanaginipko

18 May 2007

naaagnas na dede

 

shet kadiri napanaginipan ko na naaagnas yung dede ko…

natitipak siya at nalulusaw at kulay puti ang lumalabas parang nabubulok siya yung tipong may breast cancer…

pag pinisil may sumisirit na kulay white na may yellow din at parang nana! kakadiri!

tapus dun sa panaginip ko nakilala ko daw yung aking match siya ay mas bata sakin pilipino balingkinitan at muka namang cute at mahal na mahal niya ako…

wish ko lang yan ang aking panaginip…

Posted at 05:35 pm by mgapanaginipko

5 February 2007

halu musta panaginip ko?

marami akong nakain kagabi kse napagod ako kalalakad naiwan ko kasi ang susi ko sa office at kinailangan kong balikan kaya yun naglakad ako ng malayo tapus sumakay sa bus sinundo ni hugh na crush ko bumalik ulit sa bus station naghintay sumakay at naglakad ulet pauwe naka stilleto ako buong araw…

mayroong parang olympics may mga teams ang naalala ko si volts nasa kabilang team parang relay or sportssfest…

anyway bigla na lamang tumawag ng mga pangalan at kasama ako doon at sinabi ng announcer na kami ay babarilin via firing squad nag labasan ang mga ala black ninjas na halong darth vader nagtatalunan o nagliliparan di ko mawari

at si volts may walkie talkie na hawak na parang phone receiver kinakausap niya at bigla niya itong tinapon na waring natatawang nangaasar di ko maintindihan. pero waring nangaasar at to the rescue stance siya sa akin…at ako’y nagising na hay salamat! panaginip lang ito…

another tuesday morning nang ako’y magising maliligo na ako at hiniintay na ako ng invoices ng tac…

Posted at 08:06 pm by mgapanaginipko

19 September 2006

smorgasbord

 

hayayay kaines nabura…

uulitin ko nalang. ito ay smorgasbord ng mga naaalala kong panaginip.

ang una ay si marvin na nakita ko siyang nasa loob  ng isang store. mukang bookstore behind the glass. at mahaba ang kanyang buhok, at may bangs pa. doon ay nagkita kme the usual serendipitous occassion. nagkita kme sa mata at aku’y nagising na.

langya ayaw ko na siyang isipin nu! siyempre di mo naman matuturuan ang puso. yak kabaduyan.

ang pangalawa naman ay nangyari sa pilipinas. ako ay nasa tipaktipak na lupa. tatlo kaming magkakasama nang biglang lumindol! nayanig ang daigdig at nagbiyak biyak ang mga lupa na parang patalon talon kme sa mga eart plates. sinagip ang ang bata sa tiyak na panganib. waring superhero ang drama ko…at ako’y nagising na…

yan ang aking panaginip entry na naganap sa lupain ng australia

Posted at 11:27 am by mgapanaginipko

28 June 2006

yayks pumatay

 

ang naalala ko lang kinonfront namin si mommy, at nagtapat siya, nang dahil sa galit at poot binaril niya si nestor e.s.c.a.r.e.s yan muna baka kasi ma search function itong pangalan niya…yan lang ang naalala ko

Posted at 08:47 am by mgapanaginipko

8 March 2006

weird daw si volts

 

sabi yan ni marvs…matagal ko na itong napanaginipan siguro isang buwan na ang nakakaraan, ngayun ko lang naalalang i-post dito…

ang nangyari parang nasa camping kaming tatlo at mayroon activity na may bonding session si volt at si marv at afterwards nang nakausap ko si marv after the activity ang sinabi n’ya “ang weird nya”

ayan lang ang naalala ko…

side comment: i am missing volts parang genuinely missing him right now..as in…

Posted at 12:01 pm by mgapanaginipko

8 February 2006

Older Posts »